“I have a feeling that I’m going to love you for a long time @jaykhonghun. Thanks @elirodolfotattoos for doing my Matchy tattoo.”Ito ang caption ni Aiko Melendez sa post ng litrato ng kanyang tattoo na nakalagay ang apelyido ng boyfriend niyang si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

Aiko copy

Base kasi sa pagkakaalam namin, ngayon lang nagpalagay ng tattoo ang aktres ng pangalan ng kanyang karelasyon.

“Terno kasi kami actually ni Jay, ng tattoo. Sa kanya naman Melendez, nakalagay (sa) akin apelyido niya,” katwiran ni Aiko.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kaya ang tanong namin kay Aiko, kung considered na si Mayor Jay na ang “one great love” niya.

“Oo naman, and gagawin namin pareho ang lahat to make it our last love also,” sagot sa amin ng aktres nang maka-chat namin kahapon.

At muli naming tinanong kung pagkatapos ng election ay isusunod na nilang planuhin ang kasal nila. Saan ito gagawin, sa Subic ba o sa Manila?“Wala pa kami definite plans for wedding, we just discuss it in passing,” sabi ng aktres.

Oo nga, pakiramdam din namin ay natagpuan na ni Aiko ang kanyang one great love o forever sa mayor ng Subic.

As of this writing ay abala si Aiko sa mga event na kaliwa’t kanang imbitasyon sa kanya para sa Christmas.

-REGGEE BONOAN