Durant, kumpiyansa sa Warriors three-peat; bantayog, inaasahan
OAKLAND, California (AP) – Nababanaag ni Kevin Durant na patatayuan ng bantayog ang Golden State Warriors – bilang pagbibigay parangal – kung makukumpleto ng Warriors ang three-peat ngayong season.
Siniguro ng one-time NBA MVP at two-time Finals MVP na ireretiro ng Golden State ang jersey No. ng Warriors at itatayo ang kanilang bantayog sa harap ng Chase Center – ang bagong tahanan ng Warriors sa susunod na taon.
“I know for a fact that we’ll all get our jerseys retired. We’ll probably all get statues here in front of the Chase Center,” pahayag ni Durant sa panayam ng Yahoo Sports.
Iginiit ni Durant na napagusapan na nila kabilang si Draymond Green, na kamakailan lamang ay nakaalitan niya, ang pagukit ng kasaysayan sa prangkisa.
“I was talking to Klay about that... and Draymond, I was like, ‘We are gonna get statues here, bro.”
Tulad ni ‘Nostradamus’, nakinikinita ni Durant na maililinya ang Warriors stars sa mga icons at legend sa NBA.
“We’ll be Bay Area legends forever, meaning that people will recognize this team and this run forever in this area.
“Steve Kerr is going to be immortalized and he’ll be a legend forever. (Team president) Bob Myers, as well, and (owner) Joe Lacob,” aniya.
Tulad sa nakalipas na apat na season, maagang paborito ang Warriors para sa kampeonato at naniniwala si Durant na magagawa nila na muling maging kampeon.
“I think that’s going to happen. I think about 50 years from now when they have our whole team on the Chase Center floor, or wherever the arena is at that point, all the fans will be cheering for us and reminiscing on those days.”
ROCKETS 111, BLAZERS 104
Sa Houston, hataw si James Harden sa natipang 29 puntos, habang pitong Rockets ang umiskor ng double digits sa 111-104 panalo kontra Portland Trail Blazers nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Hataw si Clint Capela sa naiskor na 13 puntos at pitong rebounds bago napatalsik sa laro, habang kumang si Eric Gordon ng 14 puntos.
Nanguna si Damian Lillard sa Portland na may 34 puntos.
Sa iba pang laro, ginapi ng Toronto Raptors, ang Los Angeles Clippers, 123-99; tinalo ng San Antonio Spurs ang Phoenix Sus, 111-86.