NAGPARAMDAM ng kanilang intensyon sina International Masters Paulo Bersamina at Haridas Pascua matapos ang malakas na kampanya sa pagbubukas ng 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) Lunes sa Tiara Oriental Hotel sa Makati.
Giniba ni Bersamina (ELO 2444) si Grandmaster Le Quang Liem (2714) ng Vietnam matapos ang 36 moves ng Giuco Piano Opening, habang nakipagkasundo naman sa tabla si Pascua (elo 2442 ) kontra kay Grandmaster Vidit Santosh Gujrathi ng India (2701) matapos ang 36 moves ng Neo-Gruenfeld defense.
“Magulo ‘yung laro namin ni GM Le Quang Liem, pero buti na lang sanay ako sa ganitong system ng Giuco Piano,” sabi ni Bersamina na pambato ni National University team manager Samson Go.
Sa parte ni Pascua, nagkasya na siya sa draw kahit quality up ako kasi hindi ko alam na after 40 moves ay mabibigyan ako ng plus 30 minutes.” sambit ni Pascua na kinakailangan niyang mapataas ang kanyang elo rating 2442 sa 2500 para makumpleto niya ang kanyang GM title status. “Puede kasing pilitin ang laro sa panalo,” aniya.
Sa isang banda si top-seed GM Wang Hao ng China (elo 2730) ang nanguna sa foreign delegation na nagtatangka ng panibagong titulo bago matapos ang taong ito.
Nakipaghatian ng puntos si GM Wang kontra kay FM Yoseph Theolifus Taher (elo 2454) ng Indonesia matapos ang 54 moves ng Bishop Opening. Si GM Wang ang nagkampeon sa taong ito sa 15th Malaysian Chess Festival 2018 nitong Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Subalit hindi naman pinalad sina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Rogelio “Joey” Antonio Jr., IMs Oliver Dimakiling, Angelo Young, Jan Emmanuel Garcia, Roderick Nava, John Marvin Miciano, Chito Garma at Ricardo de Guzman ang Filipino casualties sa first round.
Nadapa si Gomez kontra kay GM Wei Yi ng China, bigo si Laylo kay GM Baskaran Adhiban ng India, yumuko si Antonio kontra kay GM S. P. Sethuraman ng India,tiklop si Dimakiling kay GM Ni Hua ng China, nadapa si Young kay GM Zhongyi Tan ng China, nag collapse si Garcia kay GM Lu Shanglei ng China, natalo si Nava kay Alireza Firouzja ng Iran gayundin si Miciano kay IM Nodirbek Yakubboev ng Uzbekistan, Garma kontra kay GM Nodirbek Abdussattorov ng Uzbekistan at de Guzman kontra kay GM Rinat Jumabayev ng Kazakhstan.
Ang i b a pang Pinoy woodpushers na natalo sa kani-kanilang first round assignment ay sina FMs Alekhine Nouri and Stephen Rome Pangilinan, NM Jacutina John Merill, Jerad Docena, Daniel Quizon, Edsel Montoya, Michael Concio Jr. at Rogelio Orio.
Pinangunahan nina National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Deputy Speaker Prospero “Butch” Pichay Jr. at top seed Grandmaster Wang Hao ng China ang pagsasagawa ng ceremonial moves bilang hudyat ng pagbubukas ng nasabing torneo.
Sila ay sinamahan nina Asian Chess Federation Executive Director Casto Abundo, former Bayan Muna party-list Rep. Neri Javier Colmenares, Asia’s First Grandmaster Eugene Torre, tournament director GM Jayson Gonzales, chief arbiter IA James Infiesto, Judge Gonzalo “Boyet” Mapili at Martin “Binky” Gaticales.
“Inaasahan natin na magiging bakbakan at madugo ang laban sa paglahok ng ilan sa top players sa buong mundo na nasa 2700 elo barrier,” giit ni Pichay.
Nakataya ang outright GM title and norms sa magkakampeon na may pabuyang $10,000.
Samantala ay nauwi sa draw ang laban ni country’s lone Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kay Sivanesa Nithyalakshmi ng Malaysia sa women’s class habang nakaungos naman si United States chess master Jose “Jojo” Aquino kontra kay Woman Fide Master Antonella Berthe Racasa sa challenger section bilang hudyat ng kanilang kampanya sa World Chess Federation sanctioned tournament, isang qualifying event para sa World Chess