Mga Laro Ngayon

(Batangas City Coliseum)

2:00 n.h. -- Banko Perlas vs Petro Gazz

4:00 n.h. -- Creamline vs Ateneo-Motolite

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

TATANGKAING bumawi ng Ateneo-Motolite kontra Creamline upang maitabla ang kanilang serye at isagad hanggang Game 3 sa pagtutuos nilang muli ngayong Game 2 ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference Finals na dadayo pa sa Batangas City.

Mula sa madamdaming panalo sa nakaraang semifinals series kontra BanKo Perlas Spikers, hindi nakita sa Ateneo-Motolite Lady Eagles ang kanilang hinahangaang fighting form noong Game 1.

Ang ipinagmamalaki nilang blocking ay nalimitahan sa isa habang inulan sila 11 aces mula sa Creamline.

Sa kabuuan ng eliminations hanggang semifinals ng Open Conference,mas gustong bigyan ni Lady Eagles coach Oliver Almadro ng pansin ang pangangailangan nilang magkaroon ng kaukulang karanasan kaysa maghangad na magtagumpay.

Kaya naman ikinagulat niya na makita na tensiyonado ang Lady Eagles sa unang laban nila sa Finals kumpara sa mga nakaraan nilang mga laro.

“I guess we played with so much pressure sa Game 1 when we really should not have,” wika ni Almadro.

“I told them that I wasn’t expecting – or we didn’t [expect] – perfect from them, only good. May mga small things kanina na we could have done better."

“But, you have to give it to Creamline also. They played really well. This is their league and they really want this championship talaga,” aniya.

Kaya naman ngayong Game 2, umaasa si Almadro na makapaglalaro ng maayos ang Lady Eagles.

“I trust my players, and they trust each other na they’ll be better on Saturday. I know na gusto nila ipakita ‘yung game nila. That’s what’s important to us."

Sa kabilang dako, bagamat nakakalamang sa serye ayaw namang maging kampante ng Cool Smashers sa muli nilang pagtutuos ng Lady Eagles.

Hangad din nilang maipanalo ang series bilang pagbibigay pugay sa kanilang coach na si Tai Bundit.

“This series talaga is for coach Tai. Just knowing lahat ng paghihirap niya for us to prepare. We just want to win talaga for him,” pahayag ni Creamline captain Alyssa Valdez.

-Marivic Awitan