PAREHONG ni-like nina Maine Mendoza at Sarah Labhati ang wedding pictures nina Priyanka Chopra at Nick Jonas, na nag-trending sa social media.

Priyanka Chopra & Nick Jonas Hindu wedding

Si Priyanka ay ang 36-year old Bollywood actress/singer/film producer/ philantropist na Miss World 2000 winner. Si Nick, 26, naman ay American songwriter, actor, at record producer. Ikinasal ang dalawa nitong December 1 at 2: Christian wedding nitong December 1 at kinabukasan ay sa isang traditional Hindu wedding naman sila nag-isang-dibdib.

Ni-like ni Maine ang Christian wedding, na tinampukan ng 75-feet long wedding veil ni Priyanka na hinawakan ng anim na tao, habang may taas naman na 18 feet ang wedding cake nila. Umani ng more than three million likes ang nasabing photo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ni-like naman ni Sarah ang traditional Hindu wedding, na naka-royal wedding outfits sina Nick at Priyanka. May more than four million likes naman ang nasabing litrato.

Dream wedding kaya nina Maine at Sarah ang dalawang wedding ceremonies nina Nick at Priyanka? Single pa si Maine, habang engaged to be married na si Sarah kay Richard Gutierrez, at may dalawang anak na silang lalaki.

-Nora V. Calderon