MATUTUWA nito ang shippers ng love team nina Ruru Madrid at Kylie Padilla dahil matutupad ang request nilang muling pagtambalin ang dalawa pagkatapos ng Encantadia. Silang dalawa ang bida sa bagong political-romantic comedy series na TODA One I Love na produced ng GMA Public Affairs at sa first quarter ng 2019 ang airing nito.

Kylie at Ruru copy

Sasabayan ng TODA One I Love ang ingay ng pulitika sa midterm election sa Mayo, kaya expect na may mga satire at patama ang jokes na ibabato ng cast sa pangunguna nga nina Ruru at Kylie.

In fairness, kahit may Aljur Abrenica na si Kylie at mas matanda siya kay Ruru, habang Ruru naman noon sa Encantadia ay girlfriend pa si Gabbi Garcia, kitang-kita na malakas ang chemistry nila. Nagkaroon ng fans at shippers sina Ruru at Kylie at walang tigil ang kare-request ng mga ito sa GMA-7 na pagtambalin ang dalawa.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Pinagbigyan ito ng network at kahit nga ikakasal na si Kylie at may anak na. Abangan nalang natin kung may pagbabago sa tambalan nila iba na ang estado ng buhay ni Kylie, isa na siyang ina at magiging misis na rin.

Si Ruru naman ay may Bianca Umali na, pero hindi sila makaamin dahil may love team pa sina Bianca at Miguel Tanfelix. P e r o sana, dumating ang araw na tanggapin ng fans ang relasyon nina Ruru at Bianca.

-NITZ MIRALLES