INAMIN kamakailan ni Vice Ganda sa isang panayam na “sunshine” sa buhay niya ang PBA star na si Calvin Abueva. And he doesn’t seem to mind kung maging tampulan siya ng biruan ng mga co-hosts niya sa It’s Showtime dahil kay Calvin.

Vice at Calvin copy

Al l in the name of ratings, sabi naman ng ilang netizens. Ginagamit daw ang “love story” nina Vice at Calvin para pag-usapan ang noontime show at tumaas ang rating nito.

Hindi na ito bago sa pandinig ng marami, lalo at ipino-promote rin talaga ni Vice ang movie niyang Fantastica, na entry niya sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May dumedepensa naman sa closeness nina Vice at Calvin. Sa modernong panahon ngayon ay katanggap-tanggap na rin naman ang ganitong uri ng relasyon. ‘Di nga ba’t legal na sa ilang bansa ang same sex marriage.

Sa aming panonood ng Showtime, hindi na makuhang itago ni Vice ang kilig at sayang nadarama niya sa tuwing babanggitin ng kanyang co-hosts ang pangalan ni Calvin.

Well, ito naman talaga ang hangad ng mga kasamahan ni Vice sa trabaho, ang makita siyang laging masaya.

-REMY UMEREZ