MUKHANG hindi matutuloy ang movie date nina Sharon Cuneta at Kris Aquino this Tuesday para manood ng Three Words to Forever.

Josh at Bimby lang po copy

May follower kasi na nagtanong kay Kris kung hindi ba siya manonood ng nasabing reunion movie nina Sharon at Richard Gomez.

“I have communicated directly with @reallysharoncuneta & just waiting for her go signal,” sagot ni Kris.

Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

In an earlier post, nabanggit ni Kris na this Tuesday sana sila manonood ni Sharon ng Three Words to Forever, pero mukhang hindi sila matutuloy dahil walang nabanggit si Kris.

Anyway, sa pagbabasa namin sa convo ni Kris with her followers sa Instagram, nabanggit niyang hindi siya nagte-take ng steroids dahil sa kanyang hypertension; pinagbawalan siya ng kanyang mga doktor. Concerned ang fans ni Kris dahil sa nalamang may side effects ang steroids ‘pag nasosobrahan ang katawan.

Samantala, sa bagong post ni Kris ng photos ng mga anak na sina Joshua at Bimby, makikitang malapit nang pumantay ang height ni Bimby sa kuya niya. Josh is 6’2” and to think, 11 years old pa lang si Bimby.

“@bincailuntayao took my pictures w/ my 2 giants (we were all barefooted) because I wanted to chronicle the height of Kuya Josh in comparison to Bimb on the 1st day of the last month of 2018. I’m excited to see when bunso will catch up with his kuya,” caption ni Kris.

-Nitz Miralles