August 05, 2026

Home BALITA National

Sigaw ni Harry Roque: 'Meron nga daw na nang-hudas kay Bato!'

Sigaw ni Harry Roque: 'Meron nga daw na nang-hudas kay Bato!'
Photo courtesy: Harry Roque (FB)/MB File Photo

Nagbigay ng makahulugang pahayag si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng mga ulat na umano'y naaresto na si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, noong Martes, Agosto 4.

Sa kaniyang Facebook post, gabi ng Martes, maikli ngunit naging laman ng usap-usapan ang kaniyang mensahe na may "nang-hudas" daw sa senador.

"Meron nga daw na nang-hudas kay Bato," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Harry Roque/FB

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Roque kung sino ang kaniyang tinutukoy o kung ano ang batayan ng naturang pahayag.

National

SC, ibinasura petisyon nina Atty. Torreon, VP Sara vs Kamara!

Ang post ay lumabas matapos ang mga kumalat na ulat noong Martes na umano'y nadakip na si Dela Rosa. Gayunman, agad itong pinabulaanan ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na wala siyang natatanggap na impormasyon hinggil sa umano'y pag-aresto sa senador.

Maging si Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez ay nagsabing wala pa silang detalye kaugnay ng naturang ulat.

Maki-Balita: 'Bad news is coming. Pray hard that it is not true, for the good of the nation!'—Jimmy Bondoc

Samantala, kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na hindi pa naaaresto si Dela Rosa at nagpapatuloy pa rin ang manhunt laban sa senador.

Maki-Balita: Nasa'n ang Bato? Manhunt kay Sen. Dela Rosa, patuloy giit ni NBI Dir. Matibag!

Ayon pa sa NBI chief, nananatiling pinaghahanap si Dela Rosa alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano'y crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna ring sinabi ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na wala siyang natanggap na kumpirmasyon mula sa kanyang mga contact sa NBI, Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP). Aniya, kung totoong nahuli na ang senador, malamang ay nasa paliparan na ito.

Maki-Balita: Sen. Ping sa umano'y pagdakip kay Sen. Bato: 'Kung nahuli yun, nasa airport na yun!'

Nitong Miyerkules, Agosto 5, sinabi ni Remulla na walang katotohanan ang tungkol sa pagkaaresto sa senador, subalit may lead na sila na nasa Mindanao daw ito.