NAKAKATUWANG makita ang mga Kapuso stars na nagpasaya sa 1k, 3k, 5k at 10k McDonald Stripe Run, sa MOA Grounds last Sunday morning, participated in ng mga stars at mga adults at mga batang sumama sa pagtakbo.

As early as 6:00 am ay naroon na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Rayver Cruz, at Janine Gutierrez, gayundin ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, kasama ang anak nilang si Stelar, at si Camille Prats with son Nathan. Present din si Gabby Concepcion.

Sinuportahan din ng mga fans ang fun run at pinuno nila ang MOA grounds. Siyempre pa, enjoy sila lalo na nang umakyat sa stage ang mga Kapuso stars para i-announce kung sinu-sino ang mga nanalo sa Stripe Run.

Happy si Maine na nakita niya ang girl crush niyang si Janine. Parang reunion naman kina Chynna, Janine at Alden ang pagkikita-kita nila roon after ng Victor Magtanggol. Tilian din ang mga kinikilig na fans dahil magkasama muli sina Alden at Maine, na madaling-araw pa lang ay naroon na.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nauna lang na umalis si Alden kay Maine dahil mayroon pa siyang Sunday PinaSaya, kaya si Maine na lang ang nag-announce ng winners sa kanilang Yellow Team.

Ang proceeds ng McDo Stripe Run ay para sa advocacy ng food chain to help kids learn how to read.

-Nora V. Calderon