NASULAT namin dito kamakailan na may mga nanood n a K a p u s o s a nakaraang Regine at the Movies concert ni Regine Velasquez, kaya naman may nagtanong sa amin kung totoong taga- GMA ang nakita namin. Sigurado naman kami dun, dahil kakilala naman namin ang mga Kapusong nakita namin sa concert.

Regine-Velasquez-Alcasid copy

Naikuwento ng kausap namin na nakatsikahan niya ang isang kilalang artista na kadikit ng isa sa executives ng GMA. Masama na nga raw ang loob ng nasabing artista at ng ilang executives sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN ay mas lalo pa raw silang nainis nu’ng kantahin nito ang ‘always be a Kapamilya’.

“Nairita sa sinabing ‘always be a Kapamilya’. Parang lumalabas na walang nagawa ang GMA sa kanya (Regine), samantalang 20 years siyang nanatili sa Kapuso,” kuwento ng nagtanong sa amin tungkol sa mga nanood na taga- GMA sa concert ng Asia’s Songbird.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Katwiran namin, sa welcome presscon ni Regine sa ABS-CBN ay pawang kind words ang sinabi niya tungkol sa GMA, at labis siyang nagpapasalamat sa kanila dahil naalagaan naman siya roon.

“Dapat lang na sabihin niya ‘yun, kasi nu’ng time na tumaba siya at matagal na nawala sa show, o hindi siya nagtrabaho, eh, bayad siya. Binayaran siya maski nakabakasyon siya, kaya sana naisip niya ‘yun,” paliwanag naman sa amin, at quoted pa ang kilalang artista.

Malinaw namang hindi nalimutan ni Regine iyon, dahil very grateful naman siya sa Kapuso network. ‘Yon nga lang, excited talaga siya sa muli niyang pagtuntong sa Kapamilya network, dahil sabi nga niya, “bumalik lang ako.”

-Reggee Bonoan