ANG buhay showbiz ay parang gulong. Minsan ay nasa itaas, at minsan ay nasa ibaba.

Carlo

Ilang taon nang matamlay ang career ng former child actor na si Carlo Aquino. Blame it on sa tinatawag na awkward age, kaya hirap bigyan ng role. O kaya nama’y sa pagiging hindi malapit sa mga powers-that-be. Pinasok rin ni Carlo ang magbanda, with little success.

May agam-agam ang marami nang ihayag ang comeback niya with ex-girlfriend Angelica Panganiban. Kinalkal ang kanilang lumipas (they were so young then) at ang posibilidad na baka magkabalikan sila muli sa tunay na buhay.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Super cooperative rin ang dalawa sa pagpo-promote ng movie nilang Exes Baggage, which turned out to be one of the biggest hits mula sa Star Cinema.

Muling sumigla ang acting career ni Carlo. Naging maaga at financially rewarding ang Pasko para kay Carlo.

Siya rin ang leading man ni Nadine Lustre sa pelikulang Ulan, at tiyak na may project ang Star Cinema bilang follow-up sa blockbuster film nila ni Angelica.

One hit movie deserves another dahil sa showbiz lingo, you are as good as your last performance.

Kaya naman sure na sure na masaya at nakangiting sasalubungin ni Carlo ang 2019.

-REMY UMEREZ