KUNG sumusubaybay ka sa well-loved GMA primetime family drama series na Pamilya Roces at nakaka-relate sa mga eksena sa serye, tiyak na naawa ka sa karakter ni Carla Abellana at magagalit naman sa karakter nina Rocco Nacino at Sophie Albert—nahuli kasi sa akto ni Crystal (Carla) ang pagtataksil sa kanya ng asawang si Hugpo (Rocco) at ng kapatid niyang si Amber (Sophie).

Carla copy

Pinag-usapan sa social media ang dalawang gabing eksenang iyon last Thursday at Friday, at nakiiyak sila kay Crystal dahil ramdam na ramdam daw nila ang paghihirap nito. Pinuri rin ang mahusay na pagganap ni Carla sa mga eksenang iyon.

Sabi ng netizen na si @chouko_1212: “OMG, today’s episode is so intense. Carla’s acting is superb! The ‘so shock she can’t speak’ trope was portrayed very well. #PRHuliSaAkto”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Komento naman ni @mhardhan: “And another iconic lines from Carla Abellana. From ‘Siya si Beh’ to ‘Daddy, my sister is having an affair with my husband’. Ramdam ko ‘yun kasi nangyari din sa family namin ‘yun.”

Sinundan ito ng maraming comments ng mga Kapusong galit kay Hugo, dahil hindi na nga nagkakasundo ang magkapatid ay siya pa ang dahilan sa paglala ng hidwaan ng stepsisters. Mapapatawad pa ba ni Crystal ang kanyang asawa at stepsister?

Nagpasalamat naman si Carla sa lahat ng mga pumuri sa kanyang acting. Mahirap daw ang eksena, dahil wala naman siyang asawa na magtataksil sa kanya.

Nakumusta si Carla tungkol sa kanyang love life, at sinabi niyang going strong daw ang relasyon nila ng boyfriend na si Tom Rodriguez. Balitang next year, ready na silang magpakasaal.

Ang Pamilya Roces ay napapanood gabi-gabi, sa GMA-7, pagkatapos ng Onanay.

-NORA V. CALDERON