Magkakaroon na ng bagong tanggapan ang Sta. Cruz Police Station (PS-3) ng Manila Police District (MPD).
Ayon kay MPD acting Director Senior Supt. Vicente Danao Jr., mula sa dating presinto sa tabi ng Manila City Jail sa Sta. Cruz, ililipat na ito ang himpilan ng PS-3 sa tabi ng SM San Lazaro sa Tayuman Street sa Sta. Cruz.
Nabatid na dakong 8:30 ng umaga nitong Sabado nang idaos ang unveiling at groundbreaking ceremony sa lugar, na dinaluhan nina Chief Supt. Crisaldo Nieves, Senior Supt. Danilo Macerin, at iba pang mga opisyal ng MPD, ang hepe ng PS-3 na si Supt. Julius Caesar Domingo, at mga opisyal ng barangay.
Sinabi ni Danao na matapos ang groundbreaking ceremony ay kaagad na sisimulan ang konstruksiyon ng bagong himpilan ng PS-3.
“With the new home in store for police officers, it will surely provide them a better workplace and excellent working condition,” sabi ni Danao.
-Mary Ann Santiago