Kritikal ang isang construction worker nang barilin at pagsasaksakin ng magpinsan, habang malubha rin ang kaibigan nito nang madamay sa gulo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ka pwa g i n a g amo t s a Valenzuela City Medical Center sina Jacky Pinca, 28; at Radito Samson, 31, kapwa ng No. 6111 Salvacion Look Barangay Gen. T. De Leon sa nasabing lungsod.
Nagtamo ng mga saksak sa katawan si Jacky, habang si Radito ay may tama ng bala sa batok at saksak sa katawan.
T uma k a s n ama n a n g magpinsan na sina Ricky Estillana at Joel Estillana, kapwa nasa hustong gulang, kapitbahay ng mga biktima.
Sa imbestigasyon, sinita ni Radito si Ricky na pinagbintangan na kumuha ng bisekleta nito, dakong 11:00 ng gabi.
Nagalit si Ricky at umuwi at bumalik kasama si Joel saka binaril si Radito.
Tinangka silang awatin ni Jacky at siya ang pinagbalingan ng magpinsan at pinagsasaksak.
Tinutugis ang mga suspek at kakasuhan ng frustrated murder.
-Orly L. Barcala