TARGET ni Filipino contender Joey Canoy (14W-3L-1D,7KO’s) na mapalinya sa maiksing grupo ng Pinoy champion sa pakikipagbangasan kay IBO world title holder Simphiwe Khonco (19W-5L,7KO’s) ng South Africa sa Disyembre 2 sa Orient Theater sa East London.

Nakamit ni Khonco ang bakanteng International Boxing Organization (IBO) minimumweight title noong 2016 via unanimous decision sa kababayan niyang si Siyabonga Siyo. Matagumpay niya itong naidepensa sa tatlong pagkakataon – dalawa kontra sa Pinoy na sina Lito Dante at Toto Landero sa parehong unanimous decision.

Beterano sa laban si Canoy sa local promotuin nina Rex “Wakee” Salud at Naris Singwangcha.

Sa kanyang huling laban sa abroad, natalo si Canoy kay Budler sa Gauteng, South Africa para sa IBO light flyweight title.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Noong 2015, nagapi din ni Budler si Khonco via unanimous decision para sa IBO/WBA minimumweight title bout.

Nitong nakalipas na taon, nagwagi si Canoy sa kababayan na si

Melvin Jerusalem via unanimous decision sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Nakatakdang umalis patungong South Africa ang 25-anyos na si Canoy Bujas