SI Vice Ganda ang klase ng host na walang kiyemeng banggitin ang karibal na programa sa It’s Showtime. Ilang beses na niyang nabanggit sa Kapamilya noontime show ang programang Eat Bulaga, at minsan pa nga siyang nagbiro na lilipat siya sa GMA kung may offer.

Angelica Yap copy

For Vice, wala sa kanya ang network war as far as ratings is concerned. Kampante naman siya na panalo ang It’s Showtime sa madlang pipol, kung audience share sa Kantar ratings ang pagbabatayan.

Nitong Miyerkules nga, binalikan ni Vice ang panahon ng kasikatan ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) noong 2015.

Relasyon at Hiwalayan

Robb Guinto, pinagtaksilan ng kaibigan at ex-jowa

“Masaya dito kaya may mga loyal viewers tayo,” sabi ni Vice sa audience. “Pasensiya na po kayo, wala kaming masyadong pera pero patatawanin namin kayo.”May isang audience member na sumigaw ng “I love you”, at sinagot ito ni Vice ng “I love you, too!”

Kalaunan, biniro niya ang nasabing audience member: “Sabi ka ng I love you, echosera ka, nung kaputukan ng AlDub, hindi ka nanonood dito. Samantalang dati binash n’yo ako, wala naman akong ginagawa,” aniya, na tinawanan ng audience.

May ipinaaalala rin kay Vice ang c-host at kasama niya sa stage na si Vhong Navarro.

“Kaya nga nakilala nila si Pastillas (Girl),” banggit ni Vhong sa dating ipinantapat ng It’s Showtime sa AlDub ng Eat Bulaga.

Angelica Jane Yap ang real name ng viral sensation na nagkaroon ng sarili niyang segment sa It’s Showtime. Noong panahon na sikat na sikat ang AlDub love team sa GMA-7, nagkaroon ng segment sa It’s Showtime na “Nasaan Ka Mr. Pastillas”.

“Family natin ‘yun,”sabi ni Vice tungkol kay Pastillas Girl. “Ang sexy niya ngayon! Gumanda lalo si Pastillas Girl. Nung nakita ko siya, sinabi ko, ‘Mukha ka nang yema ngayon.’

“Ang sexy niya talaga ngayon. Nakikita ko siya sa Instagram. Ang ganda-ganda niya,” dagdag pa ni Vice.

Sa huli, inimbitahan nina Vice at Vhong si Pastillas Girl na bumisita ulit sa Kapamilya noontime show.

Pagkatapos nito ay tinukso ni Vice ang isang Showtime host na kasalukuyang naka-leave, na walang iba kundi si Anne Curtis.

“May kilala ako, ang tangos nga ng ilong pero makikita mo, may mga paa ng ipis na lumalabas,” pa-blind item ni Vice. “Babae siya. Wala siya ngayon, nasa Africa. Naka-leave ng one month.”

Kasalukuyang naka-leave ngayon si Anne para sa kanyang honeymoon kasama ang asawang si Erwan Heussaff, sa Africa.

“Ayokong sabihin ang pangalan pero Australyana siya. May asawa siya, Heussaff ang apelyido,” sabi pa ni Vice.

“May pelikula ba siyang lalabas sa Pasko?” si Vhong.

“Meron, pero huwag natin i-promote kasi kalaban namin,” sagot ni Vice.

May entry si Vice sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Fantastica, habang kasali rin sa film fest ang Aurora ni Anne.

-Ador V. Saluta