BAGO pa ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang Hintayan sa Langit ay may plugging na ito sa Dr. Love Radio Show sa DZMM. Inaasahan na ito dahil close friend ni Bro Jun Banaag si Gina Pareño, na isa sa mga bida sa bagong obra ni Direk Dan Villegas.

gina-eddie-500x500

In a special screening, napanood ni Bro Jun ang pelikula tungkol sa dalawang kaluluwa—sina Gina at Eddie Garcia—sa purgatoryo na hinihintay mapunta sila sa langit. Magkasintahan ang dalawang kaluluwa noong nabubuhay pa sila at gusto nilang ituloy ang kanilang relasyon.

“Maganda ang kuwento at grabe ang acting nina Gina at Eddie Garcia. My wife and I enjoyed the film so much. Find time to watch the movie,” diretsahang pag-eendorso ni Bro Jun sa Hintayan sa Langit.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa ang pelikula sa entries sa QC International Film Festival kamakailan, kung saan natamo ni Eddie ang Audience Award bilang Best Actor.

-REMY UMEREZ