MAHIRAP makalimutan ang Megastar na si Sharon Cuneta tuwing sumasapit ang Pasko. Lalahatin na namin. Siya lang ang bukod-tanging celebrity na sa loob ng maraming taon ay ibinabahagi ang kanyang blessings sa movie press.

Sharon copy

Up to date ang kanyang Christmas list, at laging may nadadagdag na pangalan every year. Aktibo man o hindi ang mamamahayag ay may alaala siyang nakalaan.

Every gift basket ay may personal na dedication ni Sharon, in her own handwriting. Sadyang kahanga-hanga ang panahon at oras na iniukol niya just to express the joy of Christmas. How personalized can one gift be, at coming from the Megastar herself.

'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN

Nahinto man ang magandang tradisyon na ito na tumagal nang mahigit na isang dekada, mananatiling buhay ang magandang alaalang idinulot nito sa mga media people na tumanggap ng kabutihan mula kay Sharon.

Sa puso at diwa, Sharon will always be a friend, and we will always cherish her thoughtfulness.

-Remy Umerez