SA presscon ng Three Words To Forever bukas ay makikita na ng press people ang ipinagmamalaki ni Sharon Cuneta na 7 to 10 pounds na bawas sa timbang niya.
Post ni Sharon: “Yes, lost 7-10 lbs. Not having a hard time dieting kasi everyday pag kainan na sa set, I’d rather sleep. They all know this. EXCEPT pag may palechon si Mayor. Hahaha! Thanks so much! Yup, the sweater here is new din. New size. And our D.O.O. (Director of Photography or Cinematographer), Louie, was nahirapan according to Direk Cathy. Kasi paano na daw ang continuity niya at lumiit ako! Hahaha! Buti na yun kesa kasi lumaki. Ngee. Still losing. Basta healthy! Thanks so much!”
Naikuwento rin ni Sharon na nakunan na ang highlight ng Two Words To Forever na 13 pages ang script na dapat ay memoryado, at sa dalawang location kinunan.
Humingi si Sharon ng dasal sa fans niya n asana ay magawa niya ng maayos ang confrontation scene nila ni Richard Gomez.
Mula sa direction ni Cathy Garcia-Molina ang Three Words To Forever kasama sina Liza Lorena, Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra at Freddie Webb ay showing sa November 28, mula sa Star Cinema.
-Nitz Miralles