Matapos ang labing siyam na buwan ay makakabalik na din si Jeremy "The Jaguar" Miado sa Manila, Philippines

Makikipaglaban si Miado kay Peng Xue Wen ng China sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Biyernes ika-23 ng Nobyembre.

Ito ang magiging pangatlong laban ni Miado sa ONE Championship cage ngayong 2018 at ito ang magiging una niyang laban sa Manila mula noong debut niya noong Abril 2017 sa ONE: KINGS OF DESTINY.

“I'm very excited for this opportunity to compete again here in my hometown and in front of my fellow countrymen, friends, and family. I’m thanking ONE Championship for allowing me again to fight here in Manila,” hayag ni Maiado.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

“I’ve been waiting for this opportunity to compete here in Manila for quite some time already, but I know that eventually, this moment will come,” dagdag niya.

Matapos ang unang labas niya sa ONE Championship sa Manila, naging bahagi siya ng tatlo pang laban sa ibang bansa. Isa sa laban na iyon ang panalo niya mula sa dating ONE Strawweight World Champion Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke sa Bangkok, Thailand noong Marso.

Para sa paghahanda niya sa laban niya sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS, ang 25 anyos na knockout artist ay umalis sa tirahan niya sa Marikina City, Philippines at pumunta sa Kota Kinabalu-based Borneo Tribal Squad, isa sa pinakamagagandang mixed martial arts gyms sa Asya, upang mas mahasa pa ang talento niya bilang isang atleta.

Sa ilalim ng pangangalaga ni AJ “Pyro” Lias Mansor, isa sa pinakamagaling na mixed martial arts coaches sa rehiyon na responsible rin sa Malaysian sensation na si Ann “Athena” Osman ay marami ring natutunan si Miado na tricks sa grappling arts tulad ng wrestling at Brazilian jiu-jitsu.

“I admit that my ground game needs improvement. That’s why my team in the Philippines sent me to Malaysia to work on it. It was worth it, especially I had the chance to learn from my mistakes in my last fight,” pagkukuwento niya.

Sa huling laban ni Miado, natalo siya sa isang three-round unanimous decision sa kamay ng Thai wrestler na si Kritsada Kongsrichai nitong nakaraang Hunyo.

“I want to achieve more in this sport, and the first step that I need to do is to acknowledge my weaknesses, and then learn and develop my skills. These guys at Borneo Tribal Squad did a great job in bringing out the best in me,” saad ni Miado.

Ang makakaharap ni Miado ay nakahanay sa winner’s column at Chinese Wrestling Silver Medalist na dalawang magkasunod na beses nang nanalo matapos mapasuko ang Filipino strawweight contender Rene Catalan nitong Enero.

“I know he has a strong ground game, but I am a different fighter today. If he wants to bring me to the ground, so be it. I am ready for the challenge. I am confident that I can win this fight against him,” pagtatapos niya.