TANGING ang The Lessons of The Night (Ang Mga Turo ng Gabi), ang award-winning film ni Christian Rae Villanueva, ang entry ng Pilipinas sa 29th Istanbul International Short Film Festival sa Disyembre 14-21.

Christian copy

Pinagbibidahan nina Sheenly Vee Gener at Dylan Ray Talon, ang pelikula ay tungkol kay Juanita, isang guro na nagdurusa sa postpartum depression na nakipagtulungan sa kanyang mga pabayang estudyante para maibalik ang importanteng bagay na nawala sa kanya.

“It depicts the responsibility of a mother to her child, and how finding solace can affect humans,” kuwento ni Christian tungkol sa istorya ng pelikula na naglalarawan ng mental health illness sa Pilipinas.

Musika at Kanta

Regine, pinalagan netizen na nagsabing lab lang niya ang fans tuwing may concert

“The ‘it’s all in your head’ stigma is still rampant here and I want to raise awareness on that,” sabi pa ni Christian. “Being part of this festival means a lot for me. It inspires me more to make stories that are socially relevant and universally appealing.”

Ang Istanbul Short Film Festival ang pinakamatagal nang inoorganisa sa lahat ng international short film festivals.

Walang magiging kumpetisyon sa international section dahil ang mga entry, na sinala pa sa kritikal na evaluation process, ay ipapanood sa mga kapwa artists at aficionados nang may Turkish subtitles, upang ipagdiwang ang sining sa paglikha ng pelikula.

-Manila Bulletin Entertainment