MIAMI (AP) — Pinataob ng Brooklyn Nets, sa pangunguna ni D’Angelo Russell na may 20 puntos, ang Miami Heat , 104, 92, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nag-ambag si Jarrett Allen ng 13 puntos at 14 rebounds, habang tumipa si Spencer Dinwiddie ng 16 puntos para sa Brooklyn.

Nanguna si Hassan Whiteside sa Heta na may 21 puntos at 23 rebounds.

BLAZERS 118, KNICKS 114

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa New York, naglagablab ang opensa nina CJ McCollum sa naiskor na 31 puntos at Damian Lillard na kumana ng 29 puntos, walong assists at anim na rebounds para tupukin ng Portland Trail Blazers ang Knicks.

Hataw si Tim Hardaway Jr. sa naiskor na 32 puntos para sa Knicks

Sa iba pang laro, nagwagi ang Toronto Raptors laban sa Orlando Magic, 93-91; at tinalo ng Washington Wizards ang Los Angeles Clippers, 125-118.