MAGKAKASUNOD ang mga bagong pelikula ni Eddie Garcia, at ang huli ay itong Hintayan ng Langit na pinagtatambalan nila ni Gina Pareño.

Eddie_DINDO STORY copy

Love story ang Hintayan sa Langit mula sa direksiyon ni Dan Villegas. Imagine, kilala si Direk Dan na gumagawa ng mga pelikulang pang-millennials, pero ngayon sina Manoy at Gina Pareño ang kinuha niyang bida. Kung sabagay, talo pa nila ang mga batang artista sa passion at professionalism.

Parehong walang mantsa ang record nila sa oras at sa pagiging handa pagdating sa set, mula sa mga damit na kailangang isuot hanggang sa saulado nang dialogs.

Tsika at Intriga

'Dzaddy' Sam Concepcion, nag-react sa mga 'naglaway' sa biceps niya

Pero sa tagal nila sa showbiz, ngayon lang nagkasama sa pelikula sina Eddie Garcia at Gina Pareño. Matagal pinangarap ng huli na makatambal si Manoy sa pelikula, kaya katuparan para sa kanya ang Hintayan ng Langit.

“It’s a pleasure working with Gina,” sabi naman ni Manoy, “she’s very professional and a very good actress.”

Sa edad 89, in demand at aktibo pa rin si Manoy. Bukod sa mga pelikula, babalik din ang character niya sa Ang Probinsyano.

“Pero hindi na ako si Don Emilio,” kuwento niya, “ako na si Señor Toralba, ganito na ang hitsura ko (may balbas, clean cut siya noon sa serye), at may patch na ako sa isang mata.”

Wala siyang planong makisawsaw sa isyu ng Philippine National Police (PNP) sa Probinsiyano.

“Actor l ang ako, ang obligasyon ko sa show ay umarte,” aniya.

“May producer kami, sila ang mas nakakaalam kung ano ang dapat.”

Iilan sa henerasyon ngayon ang nakakaalam na mahusay ding direktor si Eddie Garcia. Ang unang blockbuster hit na P.S. I Love You ng tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay siya ang nagdirehe mula sa script ni Edgardo M. Reyes.

“Kung may ibibigay na magandang script sa akin at ipapagawa sa akin bilang direktor, gagawin ko pa rin.”

Wala sa bokabularyo ni Eddie Garcia ang salitang retirement. Ngayong araw na ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang Hintayan

-DINDO M. BALARES