MEDYO magulo yata ang love life ni Bianca Umali ngayon. Noong S u n d a y k a s i , sige siya ng mga hugot lines sa “Hoy Shopping” s e g m e n t n g Sunday PinaSaya, na guest siya nina Marian Rivera at Lovely Abella.

Miguel at Bianca

Kahit si Marian ay napuna ang mga hugot lines ni Bianca, kabilang ang “hindi ako i p i n a g l a b a n ” , “ganun na lang ba, tulad ng dati kong love life?”, at iba pa.

Sino ang pinariringgan ni Bianca sa mga hugot lines niya, si Miguel Tanfelix na dati niyang boyfriend, o ang nali-link sa kanya ngayon na si Ruru Madrid?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Balita kasing break na sila ni Miguel, pero sila pa rin daw ang magka-love team. In fact may ginagawa silang movie sa APT Entertainment, at may coming teleserye rin silang gagawin sa GMA. Ewan lang sa Sunday PinaSaya kung sila pa rin ang magiging magka-love team.

Lumabas din si Ruru sa nasabing segment, pero seryoso ang kanyang role at wala namang binitiwang hugot lines si Bianca.

P e r o s i n a Miguel at Bianca ang magkasama sa 2018 GMA Christmas Station ID, na ipinost pa ng binata sa I n s t a g r am a t may hashtag na #PusoNgPasko.

K a y a a n g tanong, si Ruru na ba ang pumalit k a y M i g u e l ? Unang nagkasama sina Ruru at Bianca sa Japan nitong Undas, at last week, spotted naman sila s a S i a r g a o Island. Hindi na nila itinago ang huling bakasyon nila, dahil may lumabas na picture nila sa beach.

Tahimik naman si Miguel, wala siyang comment sa mga nagtatanong sa kanya. At sa huling Instagram post niya ay ipinaalam niyang nagsimula na siyang magtayo ng sariling negosyo, kasabay ng business naman ng kanyang ina.

“It started with a simple idea and the will to achieve it and make it happen. My milktea shop @ originalpinoymilkttea and my mom’s nail salon are now officially open for business. Drop by soon! I’ll serve you milktea,” post ni Miguel.

-NORA V. CALDERON