Bagong Pinoy champ; pagkakaisa sa karapatan ng kababaihanm, aprubado sa WBC Women’s Convention

Ni Edwin Rollon

TAGUMPAY para sa sambayanan ang makasaysayang pagsasagawa ng 3rd World Boxing Council (WBC) Women’s Convention and Asian Summit nitong weekend sa Philippine Intercontinental Convention Center (PICC) at kalapit na Sofitel Hotel sa Manila.

TAGUMPAY para sa sambayanan ang makasaysayang pagsasagawa ng 3rd World Boxing Council (WBC) Women’s Convention and Asian Summit nitong weekend sa Philippine Intercontinental Convention Center (PICC) at kalapit na Sofitel Hotel sa Manila.

TAGUMPAY para sa sambayanan ang makasaysayang pagsasagawa ng 3rd World Boxing Council (WBC) Women’s Convention and Asian Summit nitong weekend sa Philippine Intercontinental Convention Center (PICC) at kalapit na Sofitel Hotel sa Manila.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Ipinagdiwang sa convention ang kahalagahan at natataging ambag ng mga kababaihan sa sports na nauugnay lamang noon sa lakas ng mga kalalakihan.

“The convention will be remembered for its huge success in terms of achievements and participation,” pahayag ni Mitra.

“The success of the WBC as the biggest boxing organization in the world is attributed to Filipino officials who crafted its by-laws and constitution. Mismong si WBC President Mauricio Suliaman, palaging sinasabi yan,” sambit ni Mitra, patungkol sa nasirang sina dating WBC president at GAB chairman Justiano Montano Jr., at sec-gen. Atty. Rodrigo Salud.

Ayon kay Mitra, malinaw sa agenda ng WBC ang matatag na paninindigan upang mapalawak ang sakop ng women’s boxing sa mundo at kilalanin bilang isang opisyal na sports sa Olympics.

Umabot sa 500 delegado mula sa 17 bansa ang nakiisa sa apat na araw na convention kung saan itinampok din ang galing ng Pinoy nang tanghaling bagong kampeon si Jonathan Almacen.

Naisalba ni Almacen ang malalim na sugat sa kanany kilay na natamo sa head butt sa first round upang magapi si Xiang Li ng China via unanimous decision para makamit ang bakanteng WBC Continental Asia silver light flyweight title sa six-fight card “The Big Challenge” – isa sa mga side event ng convention sa PICC Forum 1 Hall.

Nakamit ng 19-anyos mula sa Muntinlupa City ang iskor ng hurado sa -- 78-73, 77-74, 77-74 -- para sa ikalimang panalo sa siyam na laban.

“Maraming maraming salamat sa Panginoon sa ibinigay niyong regalo sa akin ngayon gabi,” pahayag ni Almacen sa kanyang Facebook post.

Sa main event, nasungkit ni Azizbek Abdugofurov ng Uzbekistan ang WBC silver world super middleweight title via unanimous decision kontra Wuzhati Nuerlang ng China.

Sa unang araw ng programa, kinilala ng WBC ang mga natataging Pinoy fighters at boxing luminaries sa isinagawang ‘Awards Night’ sa pangunguna ng namayapang si first Asian na kinilala ng New York-based International Boxing Hall of Fame (1993) at eight-division world champion Manny Pacquiao.

“It is only fitting that we, in this WBC Convention, pay tribute to all the great Filipino personalities who made an impact inside and outside of the ring,” mensahe ni Mitra sa kanyang opening remarks sa seremonya na dinaluhan ni WBC Cares president Christiana Manzur, maybahay ni WBC president Mauricio Sulaiman.

Tinanggap ng maybahay ni Elorde na si Laura ang tropeo ng pagkilala, habang hindi nakadalo si Pacquiao dahil kailangan niyang bumiyahe patungong New York para sa promotional Tour ng kanyang laban kay Adrien Broner sa Enero 19.

Binigyan din ng posthumously awards sina dating WBC president Justiniano Montano Jr., Pedro Adigue at father-in-law and trainer ni Elorde na si Lope “Papa” Sarreal.

Kinilala rin ang mga dating WBC Pinoy champion tulad nina WBC titleholders Rene Barrientos, Erbito Salavarria, Rolando “Bad Boy” Navarrete, Frank Cedeno, Luisito Espinosa, Rolando Pascua, Gerry Penalosa, Malcolm Tunacao, Brian Viloria, Rodel Mayol, Nonito Donaire and Sonny Boy Jaro at reigning champions Jerwin Ancajas at Michael Dasmariñas.

Pinarangalan din ang mga dating GAB Chairman n gaya ni dating GAB officials Juan Ramon Guanzon, Eric Buhain, Eduardo Villanueva, Dominador Cepeda, Francisco Sumulong at Alberto Antonio.

Dumalo sa pagtitipon sina WBC Cares international chairperson Jill Diamond, WBC women’s championship committee chairman Malte Muller-Michaelis of Germany, WBC women’s featherweight champion Jelena Mrdjenovich ng Canada, former WBC women’s super welterweight titlist Mia St. John, flylyweight champion Raja Amasheh ng Jordan at .flyweight Sulem Urbina ng Mexico.