KINONDENA ng Commission on Election (Comelec) ang napapaulat na may mga grupo na ginagamit ang ahensiya upang magbigay ng panlilinlang sa publiko hinggil sa kakayahan nilang maimpluwensiyahan ang resulta ng automated elections sa susunod na taon.

Nagbabala ang Comelec sa publiko na huwag magpadala sa maling mga balita at iginiit na walang kapangyarihan ang sinuman na magdidikta sa resulta ng halalan maliban sa sagradong boto ng mamamayan.

“The Comelec forcefully reiterates that any person claiming to be able to influence the outcome of the elections, in exchange for whatever amount of money or other consideration, is a scammer and a criminal,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Kamakailan, isang babae ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos ireklamo ng ilang local na kandidato na humihingi ng malaking halaga kapalit ng kasiguraduhan umano ng panalo dahil magagawa umano nito na mamanipula ang resulta ng Automated Election System (AES).

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

“The AES has been used since 2010, and the results have stood the test of time and scrutiny. No evidence has ever been presented that the results were wrong or tampered, simply because it cannot be done,” sambit ni Jimenez.

Iginiit ni Jimenez na tinututulan ng ahensiya, maging ng mga kawani at opisyal, agyundin ang Commissionm en Banc, ang ano mang uri ng pangigipit, panloloko at pananamantala at uslong ang sariling interest sa pamamagitan ng Comelec.

“All Comelec officials and employees join the entire Commission en Banc in condemning these claims, in the strongest possible terms, and vow to spare no effort in bringing all who make such spurious promises, to justice,” mariing paninindigan ni Jimenez.

“The public is invited to report these scammers directly to us, through hotline numbers 5259294 and 5259296, or through social media @COMELEC on Twitter, and @Comelec.Ph on Facebook,” aniya.