Nailigtas ng Cebu City Police Office (CCPO) ang isang mag-anak matapos silang i-hostage ng sarili nilang padre de pamilya sa Sitio Cadulay, Riverside II, Cebu City,

Mahigit tatlong oras ang hostage drama makaraang ikulong ng suspek na kinilalang si Ellan Sisiban ang kanyang pamilya nito.

Nagsimulang magkaroon ng tensiyon nang tangkain pasukin ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ang bahay ng mga ito.

Kabilang sa mga nailigtas ng mga awtoridad ang misis ni Sisiban at dalawang anak nila.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Narekober mula sa suspek ang isang walong-pulgadang kutsilyo na ginamit niya sa insidente.

Ayon kay Chief Inspector Keith Allen Andaya, ng CCPO, inamin ng pamilya na gumagamit ng droga ang suspek at bangag ito sa ipinagbabawal na gamot nang isagawa ang pangho-hostage.

-Fer Taboy