AMMAN (Reuters) – Hindi bababa sa 40 katao, na kinabibilangan ng mga kababaihan at mga bata ang nasawi nitong Sabado sa bagong bugso ng airstrike na pinangungunahan ng US laban sa natitirang Islamic State sa Syria malapit sa hangganan ng Iraq, ayon sa isang Syrian state media.

Agad namang itinanggi ng coalition ang ulat sa mga sibilyang nasawi bagamat kinumpirma ang pagsasagawa ng pag-atake sa bahagi ng Bugan malapit sa Euphrates river.

Sinabi ni Colonel Sean Ryan, coalition spokesman, na “the coalition takes great measures to identify and strike appropriate ISIS targets in order to avoid non-combatant casualties.”
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo