SA wakas, muling nakatikim ng Final Four ang University of the Philippines.

Tinuldukan ng Maroons ang 21 taong kabiguan nang hiyain ang league heavyweight La Salle, 97-81, nitong Miyerkules para makopo ang slot sa semifinals ng UAAP Season 81 semis sa Mall of Asia Arena.

Siniguro ng Maroons na hindi na dadaan sa playoff nang pulbusin ang Archers sa kabuuan ng latro. Nanguna sa laban sina Juan at Javi Gomez de Liano para sa UP.

Naiposte ng Maroons ang 52-29 bentahe at hindi na binitawan ang dominasyon.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Ito ang unang pagkakataon na lalaban ang Fighting Maroons sa semifinals mula nang maiangat ang UP nina Paolo Mendoza at namayapang si Brian Gahol.

“I really didn’t expect the kind of response my players did to start the game. I just painted to them the picture of us not having any accolades in the last few decades, for all of us who have a chance to do this for the community,” pahayag ni UP head coach Bo Perasol.

“While we are trying to enjoy this, there is still a game to play and that’s the Final Four,” aniya.

Hataw si Juan Gomez de Liano sa naiskor na 27 puntos, apat na assists at tatlong board, habang humirit ang kapatid na umuskor ng 19 puntos.

Ratsada naman si leading MVP contender Brighr Akhuetie sa monster performance na 16 puntos at 20 boards.

Iskor:

UP 97– Ju. Gomez de Liaño 27, Ja. Gomez de Liaño 19, Akhuetie 16, Desiderio 10, Manzo 6, Jaboneta 5, Dario 5, Tungcab 3, Gozum 2, Lim 2, Prado 2, Murrell 0, Vito 0.

DLSU 81– Baltazar 22, Melecio 19, Caracut 12, Samuel 8, Santillan 6, Montalbo 5, Serrano 5, Bates 2, Manuel 2, Dyke 0.

Quarters: 25-17, 52-29, 75-54, 97-81