HABANG tinitipa namin ito ay wala pa kaming balita kung kumusta ang 3PM result ng pelikulang Kung Paano Siya Nawala nina JM De Guzman at Rhian Ramos, dahil hindi pa kami sinasagot ng checker na kakilala namin.

JM at Rhian copy

Tangkilikin sana ito ng moviegoers dahil ito ang tipo ng pelikulang nakakaaliw dahil maganda ang script at ang ganda ng chemistry nina JM at Rhian. Sana nga masundan pa ang pagtatambal nila.

Ang cool ng batuhan nila ng linya, lalo na pagdating sa usaping seksuwal na ipinakita sa pelikula, na nagpapahiwatig na malaking bahagi ang sex sa relasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagsimula sa one-night stand ang relasyon nila at dahil compatible sila ay nagkaroon na sila ng label na “boyfriend at girlfriend”.

Sabi kasi ng karamihang millennials ngayon, hindi na uso ang label-label, ‘pag swak sila sa maraming bagay “sila na”, ‘pag hindi, puwedeng date-date lang.

Pero sa kaso nina JM at Rhian, ginusto nilang magkaroon ng boyfriend and girlfriend relationship at ipinakilala nila ang isa’t isa sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

Naguguluhan lang si JM dahil marami siyang nadidiskubreng bagay na hindi sinasabi sa kanya ni Rhian bilang boyfriend. Dahil ang katwiran naman ng babae ay “past” na ito at hindi na importante.

Sa kabilang banda, mahalaga kay JM ang malaman ang nakaraan ni Rhian, kaysa sa ibang tao pa niya marinig. Tulad ng nangyari sa eksenang nakilala niya si Paolo Paraiso na ex-boyfriend pala ni Rhian.

Takang-taka rin si JM kung bakit sobrang close nina Rhian at Paolo, na ang katwiran sa kanya ay kaibigan lang. Sa bandang huli ay inamin ng dalaga na ex-boyfriend niya ito at nagsama sila sa bahay.

Kay Rhian umikot ang mundo ni JM dahil naiintindihan siya nito sa sakit niyang face blindness.

Pero dahil laging napapasok sa gulo si JM ay ginagawang excuse ni Rhian ang sakit niyang face blindness, bagay na ikinagalit ng una dahil imbes na pagtakpan siya ay mas lalo pang ikinalat ang problema niya.

Relatable ang pelikula dahil nangyayari naman sa normal na magkarelasyon ang kuwento ng Kung Paano Siya Nawala, maliban sa face blindness sickness ni JM, o baka may mga ganito rin na hindi lang nababalita dahil hindi naman talaga ito kailangang ipagkalat.

Palibhasa parehong magaling umarte, hindi namin naramdamang umaarte sina JM at Rhian. Napaka-effortless, lalo na ‘yung harutan nila sa kama. Ang best scene ng aktor ay nang magkita na sila nang personal ng tatay niya dahil bata pa lang ay iniwan na sila, kaya for a while ay hindi niya matandaan ang mukha ng ama. Pero ang makahulugan at nakakaantig na sabi ni JM: “Hindi kita nakalimutan sa buong buhay ko.”

Ang Kung Paano Siya Nawala ang comeback movie ni JM pagkatapos ng tatlong taon niya pagkawala.

Aniya, naka-relate siya sa pelikula dahil siya pala ‘yung dapat sabihan ng “kung paano siya nawala”.

Kasosyo sina Rhian at JM bilang producer ng pelikula na handog ng TBA Studios, mula sa direksiyon ni Joel Ruiz.

-Reggee Bonoan