NAGPAPASALAMAT ang buong cast at production team ng action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol sa lahat ng televiewers na patuloy na sumubaybay sa kanilang serye sixteen weeks ago, sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Cast ng 'Victor Magtanggol'

Habang sinusulat namin ito, at 11:00 am kahapon, ay patuloy pa ring nagte-taping ng big scene ang cast sa Cavinti, Laguna. Nagkaroon ng konting aberya kasi inulan ang set at hindi sila nakapagpatuloy ng taping. Iyong mga eksenang kinunan sa chromac ang inuna nila habang nagpapatila ng ulan. Kaya diretsong two days ang taping nila.

Noong una kasi, ang balak ay may taping pa sila ngayong umaga para sa ilan pang eksena na ipalalabas mamayang gabi, sa grand finale, pero nagdesisyon na silang tapusin na nang tuluy-tuloy ang big scene.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Big scene ang handog nila sa mga televiewers, na makikita kung sino ang magiging huling kalaban ni Hammerman (Alden Richards). Sino kaya kina Loki (John Estrada), Hel (Chynna Ortaleza), o Fenrir (Kristoffer Martin), ang magiging final enemy ni Hammerman?

Samantala ang bubuo sa Team Midgard, na kasamang lalaban ni Victor/ Hammerman ay sina Sif (Andrea Torres), Modi (Pancho Magno), at Perci (Dion Ignacio).

Pero bakit kasama rin nila si Hel (Chynna)? Iyon ang tutuklasin kung mananaig kaya ang pagmamahal ni Hel/Lynette, sa kanyang pamilya, lalo na sa kapatid na si Victor?

Mamayang gabi na ang grand finale ng Victor Magtanggol, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA 7. Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumubaybay, lalo na sa mga kids na hindi tinutulugan ang itinuring na nilang millennial hero, si Hammerman.

-Nora V. Calderon