NAG-POST ng picture si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, makikitang may hawak siyang certificate at ang caption, “Finally received my certificate of completion for my stint in Harvard. I can feel the euphoria of accomplishing something I’ve worked hard for.”

Jolo copy

Kahit five days lang ang dinaluhang Executive Education for Emerging Leaders of Harvard Kennedy School sa Boston, marami pa ring natutunan si Jolo na magagamit niya sa muli niyang pagtakbong Vice-Governor sa Cavite. May nang-ookray kay Jolo dahil five days lang daw pala ang special course na pinasok niya, pero deadma ito. Mas alam naman ni Jolo kung ano ang maidudulot sa kanya ng special course.

Post nga ni Jolo: “Spent a lovely evening with the crème-sela-creme of academicians, and felt very enlightened to engage in discussions about world poverty and hunger, economics, politics and other important issues that impact mankind.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pareho sina Jolo at ex-girlfriend nitong si Jodi Sta. Maria na after their break-up, sa pag-aaral ginugol ang oras. Sa kaso ni Jolo, sa pag-aaral at politics ang atensyon niya ngayon habang naghahanap ng bagong pag-ibig.

-Nitz Miralles