HALATA ang lungkot ni Janine Gutierrez nang makausap namin sa set ng Victor Magtanggol.

Janine at Alden copy

“Nalulungkot po ako talaga dahil parang ang dami kong dapat nagawa dito bilang si Gwen Regalado, pero hindi ko nagawa,” sabi ni Janine. “Pero I hope na na-serve ko ‘yung purpose ko sa show kahit papaano. Nang tanggapin ko po kasi itong project bilang leading lady ni Alden Richards, tinanong ko ang sarili ko bakit ako ang napili, si Alden po, first time ko lamang makakatrabaho pero marami na akong good things na nalaman tungkol sa kanya. Kaya nagtiwala na lamang ako sa mga boss, kaya sana nga hindi ko sila nabigo sa opportunity na ipinagkaloob nila sa akin.”

Alin sa mga eksena o mga nagawa nila ni Alden ang hindi niya malilimutan?

Tsika at Intriga

Drag queen, kinuyog sa pagkutya raw sa pagkawala ng leg ni Jiggly Caliente

“Marami po akong memorable moments sa pagsasama namin ni Alden sa serye. Pero ang hindi ko malilimutan noong kami lamang tatlo, with Tita Coney (Reyes) ang nag-taping sa Japan. Minsan kumain kami sa labas na nag-order ako ng shrimp pero hindi ako nasarapan. Tanong ni Alden, “Ano Ja, hindi masarap?” Inayos niya ‘yung kinakain ko, tapos tinimplahan niya ng lemon, nang tikman ko ulit, masarap na.

“Iyong mga ganoong maliliit na moments ang naaalala ko sa kanya. Very sensitive siya sa mga tao. Alam niya kung masaya ka o hindi ka okay. Aasikasuhin ka niya, ganoon siya kaasikaso sa lahat ng tao.”

Ayaw ikuwento ni Janine kung ano ang mangyayari sa character niya. Hindi na nga magiging sila ni Victor dahil ikinasal na siya kay Tim, si Lucho Ayala, na siyang nagligtas sa buhay niya nang sakupin sila ng mga tauhan ni Loki (John Estrada). Nagpasalamat din si Janine sa lahat ng mga sumubaybay sa kanilang serye lalo na sa fans niya na every night ay kasali sa Twitter party.

May time na ngayong magbakasyon si Janine dahil tapos na ang serye nila.

“Tutulungan ko po si Mama (Lotlot de Leon) sa coming wedding niya sa December 17 sa Batangas. Then, pagkatapos po noon, kami naman ng mga kapatid ko ang magbabakasyon sa US, this time, ang makakasama naman namin si Daddy, (Ramon Christopher Gutierrez) dahil nasa honeymoon naman si Mama. Biniro namin si Janine na hindi ba niya isasama ang boyfriend na si Rayver Cruz, sagot niya, “let’s see”.

“Hindi rin po kami magtatagal sa US dahil babalik kami rito sa December 31, dito na kami magsi-celebrate ng New Year para sama-sama kaming lahat.

-NORA V. CALDERON