ANG sarap sigurong maging anak ni Angeline Quinto dahil pinagsisilbihan niya to the max ang adoptive mom niyang si Mama Bob.

Mama Bob at Angeline

Kung hindi kami nagkakamali, lola niya si Mama Bob pero dahil ito ang nag-aruga sa kanya simula bata ay ‘mama Bob’ na ang tawag niya.

Laging isinasama ni Angeline ang mama Bob niya sa lahat ng kanyang shows sa Pilipinas. Maging sa regular shows niya sa ASAP at I Can See Your Voice ay kasama niya ito para bantayan, kasi ayaw niyang iwanan at mainip ang lola sa bahay.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May mga video post si Angeline na kinukulit o binibiro niya ang mama Bob niya at makikitang napipikon minsan ang matanda at lalayasan siya. Pero iyon ang paraan para maipakita sa lahat kung gaano kamahal ng mang-aawit ang taong pinagkakautangan niya ng kanyang buhay.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay dumaan sa Facebook feed namin ang litratong sinusubuan ni Angeline ng pagkain ang mama Bob niya.

Ang caption, “Audition Days. Sa lahat ng mga singing contest na nasalihan ko, ganitong-ganito si Mama Bob sa akin noon. Ngayong siya na ang kailangan kong alagaan kahit kasama ko siya sa trabaho, ako palagi ang magpapakain at aalalay sayo Ma. #ICanSeeYourVoicetaping #ThankyouLordforeverything.”

Umani ng maraming papuri ang post na ito ni Angge (tawag namin) at iisa ang mensahe sa kanya ng kanyang supporters, sana ay lalo pa siyang pagpalain ni God.

-Reggee Bonoan