GALICIA, Spain – Nakabawi si Filipina chess Woman Fide Master Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa (Elo 1342) matapos ang fifth round setback ng kanyang talunin si two time Olympian nemesis Monaco’s Fiorina Berezovsky (1492) sa 57 moves ng Sicilian Dragon variation sa World Cadets Chess Championships nitong Biyernes sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.

Ang panalo ay naghatid kay Racasa sa tatlong puntos mula sa anim nas laro at manatiling nakatutok sa 10 finish sa Under 12 girls division.

“David and Goliath reloaded. Antonella thwarted all the attacks her opponent throws at her and systematically maneuvered her forces to generate counter-play and finally toppled her two time Olympian nemesis Fiorina Berezovsky of Monaco in 57 moves of a Sicilian Dragon variation. Glory to God,” pahayag ng ama at coach na si Roberto Racasa.

Ang kanyang European trip ay suportado ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippines, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, councilor Charisse Marie Abalos-Vargas, Herminio “Hermie” Esguerra of Herma Group of Companies at ni sportsman Reli de Leon.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Suportado rin si Racsa ng Rotary Club of Pasig thru Eng’r Rogelio Lim, Dr. Jess Acantillado at Philippine Executive Chess Association (PECA) President lawyer Cliburn Anthony A. Orbe.

Sunod niyang makakaharap si Mahi Amit Doshi (1515) ng India sa seventh round.

Samantala, dinaig ni Savitha Shri B (1745) ng India si overnight solo leader Woman Candidate Master Amina Kairbekova (1939) ng Kazakhstan para makopo ang solong liderato matapos ang anim na laro sa pagtipon ng 5.5 puntos.