MAINIT ngayong pinag-uusapan sa social media ang umano’y relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, kaya hiningian namin ng reaksyon tungkol dito si Sylvia Sanzhez, ina ni Arjo.

Arjo at Maine

“Alam mo Reggee, hindi ako nakikialam sa love life ng mga anak ko, unless magsabi sila o hihingan nila kami ng advice. Sa ngayon, wala akong masabi kasi hindi naman nagkukuwento si Arjo, hindi pa rin niya ipinapakilala sa amin si Maine kung totoo man.

“Sa social media nga rin ako nakikibalita na nakita raw sila sa Bali (Indonesia), e hindi naman nagkukuwento Arjo kaya hindi rin ako nagtatanong. Iba kasi ugali ng mga anak ko, hanggat hindi sila nag-o-open, ibig sabihin, sa kanila lang ‘yun. Matatanda na sila alam na nila ang gagawin nila sa buhay nila,” pangangatwiran sa amin ng aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang daming bashers ni Arjo na galing sa supporters nina Maine at Alden Richards.

“Oo nga, eh, buong pamilya namin naba-bash. E, bahala sila, si Arjo walang pakialam ‘yan sa bashers mas lalo pa niyang iinisin sila. Kami naman, hanggat kaya, sige lang, huwag lang below the belt dahil talagang sasagot ako,”sabi pa ni Sylvia.

-Reggee Bonoan