Cook at Durant, bumida sa Warriors; Butler, na-trade sa Sixers

OAKLAND, California (AP) — Sa bawat pagkakataon na ma-sideline si Stephen Curry sa injury, handa si Quinn Cook para punan ang bakante sa bench. Sa isa pang pagkakataon, muli niyang pinatunayan na isa siyang maasahan na back-up.

Hataw din si Kevin Durant maging sa assists na ala-Curry ang dating.

Kumana si Durant 11 assist at 28 puntos, habang tumipa si Cook ng season-high 27 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa 116-100 panalo kontra Brooklyn Nets nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

“I just feel like Quinn thinks that he’s always supposed to be ready no matter what,” pahayag ni Durant. “When his number is called he’s able to go out there and produce, and that’s just because of the work he puts in every day. It’s no surprise to me that he can do this.”

Matapos magtamo ng groin injury sa 23-puntos na kabiguan ng Warriors sa Milwaukee Bucks, ipinahinga ang two-time MVP at hindi naman pinahiya ni Cook ang tagahanga ng Warriors – sa isa pang pagkakataon.

“That’s the mark of a pro,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr patungkol kay Cook na pinalagda niya ng dalawang taong kontrata. “He’s a great fit for us. Always prepared and always ready. His role is going to swing wildly based on our health and what’s happening out on the floor but he’s always ready.”

Maliit ang playing time ni Cook ngayong season, ngunit, aniya ang karanasan na nakamit niya sa nakalipas na season ay sapat na para maging hanfa ang kanyang kaisipan at katawan sa panahong kakailanganin ang kanyang serbisyo.

“Our guys do a great job of always making you feel important, making you feel a part of the team, even when you aren’t playing,” pahayag ni Cook, “I felt comfortable out there and we got it done.”

Hindi rin nakalaro si Draymond Green, ngunit naisalba ni Durant ang Warriors para mahila ang winning streak laban sa Brooklyn sa tatlo.

Kumana ang nine-time All- Star ng 13 puntos sa first quarter at ratsada sa second period para mapalobo ang bentahe sa 20 puntos sa kabila nang maalat na laro ni Klay Thompson na nalimitahan sa 11 of 20.

Nanguna si Joe Harris sa Nets sa naiskor na 24 puntos, habang kumana sina Spencer Dinwiddie ng 14 puntos at DeAngelo Russell na may 12 puntos.

“You had Durant and Thompson, and (Cook) did a Curry imitation tonight,” sambit ni Brooklyn coach Kenny Atkinson. “You could argue he made the difference tonight. He really scored the ball well.”

GRIZZLIES 112, SIXERS 106 OT

Sa Memphis, Tennessee, naitala ni Mike Conley ang season-high 32 puntos para sandigan ang Grizzlies kontra Philadelphia 76ers sa overtime.

Ratsada si Marc Gasol sa naiskor na 18 puntos at 12 rebounds para mapanatiling malinis ang marka sa kanilang tahanan. Nag-ambag si Garrett Temple ng 17 puntos.

Nanguna si J.J. Redick sa Sixers na may 20 puntos, habang kumana si Ben Simmons ng 18 puntos at 14 rebounds. Kumubra si T.J. McConnell ng 16 puntos at pitong assists.

Nalimitahan si Joel Embiid sa 14 puntos at 14 rebounds.

PELICANS 119, SUNS 99

Sa New Orleans, ginapi ng Pelicans, sa pangunguna ni Anthony Davis na may 26 puntos at 12 rebounds, ang Phoenix Suns,

Nag-ambag si Julius Randle ng 22 puntos at 16 rebounds, habang kumana si Jrue Holiday ng 19 puntos.

SPURS 96, ROCKETS 89

Sa San Antonio, kumubra si LaMarcus Aldridge ng 27 puntos at 10 rebounds sa panalo ng San Antonio Spurs kontra Houston Rockets,

Ratsada rin si DeMar DeRozan sa 11 rebounds at season-low 13 puntos.

Bumida sa Rockets si James Harden na may 25 puntos.