SA record, 12 koponan lamang mula sa kabuuang 113 koponan ang nagtagumpay na umusad sa susunod na round mula sa dehadong lagay sa twice-to-beat series.

Ngayon, tatangkain ng 7th seed Meralco na maging ika-13 sa muli nilang pagtutuos ng 2nd seed Phoenix sa knockout match sa PBA Governors Cup quarterfinals sa Araneta Coliseum.

Binura ng Bolts ang taglay na bentahe ng Fuel Masters makaraang pataubin ang huli,90-74, nitong Miyerkules sa Cuneta Astrodome.

Ganap na 7:00 ng gabi ang do-or-die game ng dalawang koponan para sa karapatang makaduwelo sa best-of-five semifinals ang Alaska Milk.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Muling ginamit ng tropa ni coach Norman Black ang kanilang lockdown defense upang magwagi sa kanilang panglimang sunod na do-or-die match ngayong third conference.

Nais naman ng Fuel Masters na makabawi at magawa ang hindi pa naaabot ng kanilang koponan mula ng sumali sila sa liga at ito ay ang makausad ng semis.

“Missing yung outside shots namin. And we have to adjust with that. We have to make some tweaks, adjustment. We’ll see what will happen,” pahayag ni Fuel Masters coach Louie Alas.

-Marivic Awitan