HISTORY repeats itself dahil muling magtatapatan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Coco Martin at Vice Ganda. This time, alin kaya ang mangunguna sa takilya between Jack Em Popoy: The Puliscredibles ni Coco at Fantastica ni Vice?

Coco at Vice

Anong bagong rekado kaya ang mapapanood natin sa unang pagsasama sa pelikula nina Coco at Vic Sotto. Dahil mga pulis ang roles nila ay masasabak nang husto si Coco sa action, ang main ingredient ng top-rating teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsiyano. Pasok din sa cast si Maine Mendoza, at inaasahang magdudulot ng karagdagang hatak sa manonood ang pairing nila ni Coco.

Sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez naman ang mga bagong mukha sa Fantastica ni Vice Ganda. It is an interesting blend na inaabangan ng marami.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maagaw kaya kay Vice ang pagiging record-breaker sa takilya sa taunang inaabangang film fest sa Pasko?

Alin kaya sa natitirang anim na entries ang mapapabilang sa Top Three. Minsan ay may mga biglang umaalagwang dark horse sa takilya at nagiging surprise hit, gaya ng tagumpay ng Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

-Remy Umerez