MAY maagang pamasko para sa kanyang Kapuso fans ang multi-talented GMA Artist Center star na si Kyline Alcantara.

Kyline copy

Nag-release si Kyline ng original holiday single sa ilalim ng GMA Records na pinamagatang Handa Na Ba Kayo? (Merry Christmas) kasama ang Kapuso leading man na si Jeric Gonzales.

Ayon kay Kyline, siguradong magdadala ng saya at inspirasyon sa lahat ang kantang ito. “It’s all about how we Filipinos prepare for Christmas. Sabi nga nila tayong mga Pinoy ang may pinakamahabang Pasko at isa sa may pinakamasayang celebration, kaya ikinuwento namin iyon through this song to add more joy and good vibes sa pagsalubong natin ng Pasko. Sana magustuhan ninyo ang munting regalo namin,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ayon naman kay Jeric na nag-perform ng rap verse, tiyak na mag-e-enjoy ang mga tagakapakinig sa masayang tugtog ng kanta. “Mas lalo pang sasaya ang Pasko niyo sa song na ito. Pwede ninyo itong gamitin pang-karoling or sa Christmas parties ninyo,” sabi naman ni Jeric.

Ang Handa Na Ba Kayo? (Merry Christmas) ay maaari nang mapakinggan at ma-download sa Apple Music, iTunes, Spotify at iba pang digital stores worldwide.