IMBITADO ang lahat sa espesyal na birthday celebration ng nag-iisang Igan ng bayan ngayong Miyerkules ng gabi (Nobyembre 7) sa Tonight with Arnold Clavio.

Igan

May temang golf ang episode na ito dahil isa ito sa mga paboritong libangan ni Arnold Clavio. Pero bukod sa pagiging libangan, golf din ang paraan ng kanyang IGAN Foundation para makatulong sa kapwa, gaya na lang ng mga kabataang may sakit na diabetes. Ano kaya ang magiging reaskyon ni Igan kung sorpresahin siya ng mga batang beneficiary ng Igan Cup?

Samantala, mga kalaro naman sa golf ang darating para makakulitan ni Igan. Ano kayang mga kuwento at mensaheng bitbit nila?

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Samantala, sasabak sa Friendship Quiz ang kaibigan niyang si Cesar Lacuna at kasamahang radio announcer na si Joel Zobel, habang ang aktor namang si John Estrada ang tatayong game host.

Sino kaya sa mga bisitang ito ang may makulay na kwento tungkol sa birthday boy? Saan nga ba takot si Igan? Ano ang kanyang kinaiinisan? Abangan ang mga kasagutan.

At ito pa, magkakaroon din ng ng mini-golf sa TWAC. Dito, may punishment na kapalit ang bawat pagtira ng bola na hindi lumusot sa butas. Ano kaya ito?

Huwag palampasin ang masayang birthday celebration ni Igan sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.