MARAMING bumati kay Pambansang Bae Alden Richards nang mapabilang sa mga nominado sa Catholic Mass Media Awards 2018 (CMMA 2018).

Alden copy

Nominado si Alden sa kategoryang Male Influencer of the Year ng CMMA 2018, kasama ang tatlong pari na sina Fr. Joel Jason, Fr. Luciano Felloni, at Fr. Jeffrey S. Segovia. Nominated din sa nasabing katergorya si Kirby Llaban na isang Motivational Speaker. Wala pang anunsiyo kung kailan gaganapin ang awards night CMMA ngayong taon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Alden para sa natanggap na nominasyon.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Samantala, balik-taping na ngayong Miyerkules si Alden, dahil matapos ang limang araw na pahinga ay sasabak na ulit siya sa sunud-sunod na action scenes sa Victor Magtanggol, dahil susubukan na ng kanyang mga kalaban ang kakayahan niya bilang si Hammerman. Isa nga sa mga nakalaban niya ay ang mahusay na action star na si Ian Ignacio na gumaganap bilang si Thrym. Paano niya tatalunin si Thrym na mula sa ibang mundo?

Gayundin, isa pa sa inaabangan ng mga tagasubaybay ng action-drama –fantasy series ay ang muli nilang paghaharap ni Loki, na ginagampanan naman ni John Estrada.

Si Loki ang hari ng mga manlilinglang at kaya niyang magpalit ng katauhan ng kahit na sinumang gustuhin niya. Nagawa nga niyang ipagpalit ang sarili kay Gwen (Janine Gutierrez) kaya natuklasan niyang si Victor si Hammerman.

Napapanood gabi-gabi ang Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon