SA post ni Rhian Ramos, parang this Tuesday na ang premiere night ng Kung Paano Siya Nawala movie nila ni JM de Guzman.

KPSN_Rhian copy

Nabanggit ni Rhian na she’s “freakin out”, at nabasa rin ang comment dito ni Direk Joel Ruiz na “Me too!!! Arrrrgggg.”Ang payo kina Rhian at Direk Joel, huwag silang mag-freak out, lalo dahil maganda ang kanilang pelikula.

Co-producers ng Kung Paano Siya Nawala sina Rhian at JM.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa premiere night at sa showing ng movie sa November 14, malalaman kung bad o good ang feedback sa pag-amin ni Rhian sa presscon ng movie na nagkaroon siya ng crush kay JM noong high school student pa siya.

Na-bash kasi si Rhian ng fans nina JM at Barbie Imperial sa pag-aakalang may gusto siya kay JM, at naghahabol sa aktor. May mga hindi maka-move on na matagal nang nangyari ‘yun at nagka-boyfriend na nga si Rhian.

Anyway, meron din hindi natuwa sa parody video greetings ni Rhian sa nag-viral na birthday greetings ni Cesar Montano. Sabi nila nakisakay daw si Rhian sa kontrobersiya. Pero, mas marami ang natuwa sa kanya at naintindihan na katuwaan lang ang lahat.

Sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang lumabas sa video ni Rhian, kung saan binati niya ang fans niyang patay na patay sa kanya, at hindi pa nakakabangon sa pagka-fall sa kanya.

-Nitz Miralles