MATAGAL ding walang teleserye sa GMA-7 si Mikoy Morales, na huling napanood sa teleseryeng Marimar ni Megan Young at sa sitcom na D’Originals kasama si Jaclyn Jose.

Mikoy at Thea copy

Kaya naman thankful si Mikoy nang bigla siyang ipatawag ng GMA-7 para sa afternoon prime drama series na My Special Tatay.

“Hindi na nga po ako nakapaghanda sa role ko dahil nang tawagan nila ako, kinabukasan, taping ko na,” kuwento ni Mikoy nang bumisita kami sa set ng My Special Tatay.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ako po kasi si Ote, tulad din ni Boyet (Ken Chan) ay may mild mental disability rin. Kaya nagbasa-basa na lang ako ng characters ng mga taong tulad nila.

“Binibigyan din ako ng pointers ni Ken kung paano ang pag-atake sa role. Pero iniiwasan naming maging pareho ang acting namin na maging katatawanan sa mga televiewers. But so far, ang naririnig ko, natutuwa sila kapag magkaeksena kami ni Boyet, dahil mag-best friend kami at ipinagta-tanggol ko siya. Ako ang nagpapatotoo ng ginagawa nila kay Boyet.”

Natanong si Mikoy kung may girlfriend na siya ngayon, dahil ang dating girlfriend niya of four years na si Thea Tolentino ay wala pa ring boyfriend ngayon.

Nagkasama noon sa Protegé, nakuwento noon ni Thea na kapag may nanliligaw sa kanya ay hinahanap niya lagi ang qualities ni Mikoy. Kapag walang qualities ni Mikoy sa guy, basted na agad ito kay Thea.

“Wala pa rin po akong nililigawan, naka-focus ako sa work ko. Baka po kapag nag-try akong manligaw, ganoon din ang mangyari sa akin, ang qualities ni Thea hahanapin ko rin sa kanya.

“Mahirap pong makalimutan, pero kailangan muna naming mag-concentrate ni Thea sa work namin.

“May tatlo po akong shows ngayon, itong My Special Tatay, then every Friday napapanood din ako sa Bubble Gang, at kung Saturday, nasa Pepito Manaloto rin ako.

“Hindi ko rin po nakakalimutan pa ang pag-compose ng songs, at kung minsan, may mga shows na ibinibigay din sa akin. Kaya mahirap ding manligaw, wala akong time na maibibigay sa liligawan ko.”

Ang My Special Tatay ay sa direksiyon ni LA Madridejos, at napapanood daily after ng Ika-5 Utos.

-Nora V. Calderon