MARAMING natuwa nang mag-comment si Vice Ganda sa post ni Dingdong Dantes sa Instagram ng photos nila ni Marian Rivera habang nasa Sonya’s Garden sila sa Tagaytay.

Marian copy

Comment ni Vice: “Super bagay! Ang ganda n’yo tingnan together! Feeling ko magkakatuluyan kayo!”

Sumagot si Dingdong: “@praybeytbenjamin ewan ko ba dito, medyo pakipot pa nang konti, eh.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Natuwa ang marami sa nasabing comment ni Vice sa co-star niya sa Fantastica, ang entry ng Star Cinema sa 2018 Metro Manila Film Festival, kasama si Richard Gutierrez.

May special appearance si Marian sa nasabing movie, pero ipinagpaalam niya ito sa GMA-7, kaya walang isyu rito.

Nakakalungkot lang na positive ang comment ni Vice, pero kung maraming natuwa ay naligaw ding basher. Hindi na namin isinulat ang comment ng basher, na buti na lang at hindi nabasa ni Vice dahil tiyak na sasagutin ito ng It’s Showtime host.

-Nitz Miralles