SI Carmina Villaroel ang bagong host ng Saturday lifestyle variety show na Sarap, ‘Di Ba? at co-hosts niya ang mga anak na sina Mavy at Cassy, na kapwa Kapuso artists na rin.

Sentro ng show ang family bonding at relationships, at sa puntong ito ay naitanong kay Carmina kung ipinagtapat niya ba sa kambal ang nagging relasyon nila ni Rustom Padilla.

“Wala akong inilihim sa kanila. I want to be honest at ayokong sa ibang tao pa nila marinig ang mga nangyari,” sabi ni Carmina.

“I am thankful dahil both of them are matured enough to understand. And one thing more ay matagal nang panahon ito nangyari.”

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Matatandaang ikinasal si Carmina kay Rustom, pero makalipas ang ilang taon ay naghiwalay sila. Ilang taon pa ang lumipas bago napangasawa ni Carmina ang ama ng kanyang kambal, si Zoren Legaspi.

Tungkol sa bagong show, dasal ni Carmina na sana ay suportahan ito at huwag siyang ikumpara sa former host ng Sarap Diva na si Regine Velasquez.

-Remy Umerez