SA loob ng napakahabang panahon ay hinawakan ni Douglas Quijano ang showbiz career ni Wendell Ramos. Sa pagyao ng iginagalang na talent manager, na nagpasikat din kay Richard Gomez, ay nawalan ng direksiyon ang career ni Wendell, a case of “now you see him, now you don’t”.

Kaya naman kalaunan ay nag-decide na si Wendell na magpadala ng feeler sa GMA na available na siyang magtrabaho. Hindi naman binigo ng GMA ang aktor at kaagad isinama sa cast ng Onanay.

Kuwento ni Wendell, naikot na niya ang halos lahat ng TV network sa buong panahon ng kanyang career.

“Parang gulong lang ‘yan, umiikot din ang mga artista,” sabi ni Wendell.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I put everything in order, at lagi akong namamaalam nang maayos sa kanila (network bosses). Pinapanatili kong laging bukas ang communication sa lahat.”

-REMY UMEREZ