KAPANA-PANABIK ang grand finale ng Kapag Nahati Ang Puso ngayong tanghali.

Ang malaking tanong, mabubuo na ba ang pamilya ni Nico (Zoren Legaspi), ang mahal niyang si Rio (Sunshine Cruz), at ng anak nilang si Claire (Bea Binene)?

Kung kailan kasi nalaman na ni Rio na tunay niyang anak si Claire, saka naman sila pinipilit paghiwalayin, to the point na gusto na silang pataying mag-ina ni Miranda (Bing Loyzaga). At si Nico, hindi niya alam kung nasaan ang kanyang mag-ina.

Labis ang pasasalamat ng bumubuo ng cast ng morning teleserye dahil sinubaybayan talaga ng televiewers ang intriguing family drama, na idinirek ni Gil Tejada, Jr., at magtatapos nang may mataas na rating.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa pang tanong sa finale ng serye kung sino ang magmamay-ari sa puso ni Joaquin (Benjamin Alves). Ang nakabalikang si Claire, o ang minahal din niyang si Rio?

Don’t miss the finale of Kapag Nahati ang Puso, bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

-Nora V. Calderon