Ipinag-utos nitong Miyerkules ng Manila court na ilipat ang umano’y mastermind sa pagdukot sa isang Letran student nitong Agosto, mula sa kustodiya ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) patungo sa Manila City Jail.
“I hereby commit to you the living person of the accused Jhulius de leon Atabay charged before this Court of the crime of Kidnapping for Ransom and Serious Illegal Detention,” bahagi ng Commitment Order, na nilagdaan ni Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19.
Inisyu ni Malagar ang naturang dokumento matapos ang pagdinig sa mga kapwa akusado ni Atabay na sina Ferdinand dela Vega, Jr., Ralph Emmanuel Camaya, at Justine Manipus para sa pagdukot kay Dhenzel Gomez noong Oktubre 31, bandang 10:00 ng umaga.
Sinabi ng mga tauhan ng PNP-AKG sa Balita na ipatutupad nila ang utos ng korte sa lalong madaling panahon.
-Ria Fernandez